Bilang lamang sa aking mga daliri ang taong naging bahagi ng aking buhay, na minsan pa ay nag pa tibok ng aking puso at nag bigay ng kulay sa aking buhay, sa bawat oras at araw ma lumipas sakin ay halos iba sa mga ito ay nabura na aking alaala ngunit nag iwan nalang ito ng isang bakas ng magagandang kwento at mga karanasan na aking baon hanggang sa kasalukuyan na syang dahilan kung bakit ako mas matibay at matatag. bawat yugto ay may kwento may katatawanan, may kalungkutan may mga sandaling tampuhan ngunit palamuti ang mga karanasang eto upang mas maging matibay ang isang pag sasama.
Minsan isang araw ay napadaan ako sa isang coffee shop at nakaagaw pansin ang isang dalagita, may kaputian at mahaba ang buhok at nang aking titigan ang kanyang mga mata ang mugto ito at basa ng luha, nais ko syang lapitan ngunit nag dalawang isip ako na baka kailangan nyang mapag isa subalit batid ko ang kanyang pag daramdam, ang kanyang lungkot at bakas sa kanyang mukha ang bigat ng kanyang pinag daraanan, ilang hakbang pa at nakita ko ang babae na iniangat ang kanyang mukha at bahagyang tumingin sakin, nakadama ako ng pagka ilang subalit nag lakas loob akong lumapit at nag tanong,
"Miss ok ka lang ba?"
hindi sya umimik, ngunit umiling ng bahagya ang kanyang ulo, nag pasya akong umupo sa kanyang harapan at nag lakas loob akong nag tanong na kailangan mo ba ng kausap? bigla yang humagulhol at naramdaman ko ang lalim na pinang gagalingan ng kanyang kalungkutan, pagkaraan ng ilang mga minuto ay nag umpisa syang nag kwento ng kanyang nararamdaman at sa kanyang mga isinalaysay ay tunay ngang hagip ang pinaka loob ng kanyang puso para masaktan at maging dahilan ng kanyang pag hihinagpis, sa kanyang salaysay ay nagkaroon sya ng kasintahan sa loob ng 3 taon, sa kabila ng kanilang masayang pag sasama at buong akala nya na ang kanyang minamahal ay sya ng makakasama nya pang habang buhay, ngunit sa isang di inaasahang pag kakataon ay nagkaroon silang ng di pag kakaunawaan at marahil para sa kanya ay normal na pinag dadaanan eto ng isang magka relasyon, isang malalim na buntong hininga at kanyang na sambit, “ ang sakit! ang sakit sakit! “ habang dahan dahang umiiling ang kanyang ulo kasabay ang pag patak ng kanyang mga luha.. pagkaraan ng ilang minuto ay natapos ang kanyang pag sasalaysay at kaagad syang nag paalam sakin sabay kuha ng kanyang bag at walang pasubali daretsong naglakad papalayo mula sa lamesa na aming kina uupuan hanggang sa naglaho sya sa aking mga paningin, hindi ko man nalaman ang tunay na dahilan ng kanyang pag hihinagpis ngunit batid ko na malalim ang pinang huhugutan noon, at ang tangi ko nalang naibulong sa aking sarili na sana ay dumating ang panahon na matapos din ang kanyang pag hihinagpis..
Hindi ko man nalaman ang tunay na dahilan ng kanyang dinadala ngunit nag iwan ito sa akin ng isang malaking katanungan na kung bakit sa kabila ng masayang pag mamahalan ay may katumbas din na malaking pag dadalamhati, hindi man perpekto ang ating mga buhay dito sa mundo ngunit pwede sana nating iwasan ang mga bagay na maaaring makapag dulot ng kalungkutan sa iba kung tayo lamang ay magiging maingat sa ating mga ginagawa, sabi nga ay walang perpektong relasyon sa mundong eto ngunit may mga pamamaraan upang maiwasan ang bagay na maaaring mag dulot ng hindi pag kakaunawaan sa isang relasyon, minsan ay kinakailangan din pag daanan ang mga unos sa buhay dahil pinapatatag neto ang isang bagay at mas binibigyan ng kahulugan ang tunay na pag sasama ng dalawang taong nag mamahalan, may kasabihan nga na mas mabuti pang iyakan mo ang taong nanakit sayo, kesa ikaw ang maging dahilan ng pag tangis ng taong nagmamahal sayo.. dahil mas magaan dalhin sa huli ang hinagpis at kalungkutan na iyong pinag dadaanan, kesa dalhin ang alala na minsan pa ay naging dahilan ka ng lubos na kalungkutan ng isang tao na minsan pa ay naging bahagi ng iyong buhay...
No comments:
Post a Comment