Wala ng hihigit pa sa buhay ng isang tao na makasama ang kanyang minamahal at pinag aalayan mo ng lahat, na wari’y tila walang katapusan ang mundo sapagkat pareho nyong binubuo ang mga pangarap ng inyong pagsasama sa mga darating na panahon, Kay sarap isipin na ang minamahal mo ay malayo ang pag tanaw at walang kasing ganda at kasing laki ang mga naisin para sa mas ikabubuti ng kanilang pagsasama, hindi pa man natutupad ang mga pangarap na yun ngunit isa tong magandang baon sa pag harap sa kasalukuyang kalagayan at magkaroon ng determinasyon na isa katuparan ang bawat mithiin, Isa, dalawa, tatlo habang binibilang ko ang mga araw na lumilipas ay punong puno eto ng pag asa, hindi man bigkasin ng aking mga labi ang mga katagang eto ngunit sa kabila ng aking pag iisip ay buo ang pundasyon na isakatuparan ang lahat at magkaroon ng isang masaya at mapayapang pagsasama hanggang sa huli.
Hindi ko magawang isipin o ni pumasok man lang sa aking imahinasyon na darating ang panahon ay mawawala ang lahat ng ito, ni sa panaginip ay hindi ko man lang nakita na maaari at may posibilidad na matuldukan ang ang lahat ng mabubuti at magagandang pangarap ng dahil lamang sa mga bagay na siguro ay hindi magkaroon ng koneksyon, hindi magkasundo o maging sa mga prisipyo at paniniwala ay magkaiba, hindi ko lubusang maisip na maaaring pag mulan ang mga eto upang hindi maisakatuparan ang dati’y mga magagandang pangarap na ngayon ay hanggang pangarap nalang pala. Bakit ang tao kailangan magbago ng pagtingin? bakit ang tao kailangan bumitaw? bakit ang tao kailangan mabigo at masaktan? kahit alam nito ang sakit at hapdi na maaaring idulot ng mga bagay nato, Nakakalungkot isipin na may mga pangarap na naglalaho at nagiging panaginip na lamang ng dahil sa mga personal na bagay ng bawat indibidwal at hindi kayang maisakatuparan dahil ang dalawang tao ay may mag kaibang pananaw sa buhay? bakit hindi kayang tanggapin ng bawat isa na likas tayong may kanya kanyang kagustuhan at subukang tanggapin ang bagay na to alang alang sa mga pangarap na magkasam nilang binuo,
Ilang tao ang kailangan nating makilala? ilang tao ang kailangan nating makasama para lang makita natin sa kanila ang mga bagay na pareho at pwedeng pag kasunduan at masasabi mong sya na, sya na ang tamang tao na sa tingin ko hanggang sa aking pag tanda ay aking makakasama? walang taong nagkaroon ng parehong antas ng kaalaman, pareho ang mga kagustuhan, pareho ang mga ginagawa sa buhay, Binigyan tayo ng Dios ng kanya kanyang antas ng kaisipan kaya tayo ay unique binigyan tayo ng kanya kanyang kaalaman at kakayahan upang gawin ang mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, at kung dumating man ang taong makakasama mo ay binigyan din tayo ng kakayahan ng Dios na tumanggap ng mga bagay upang magkaroon ng mabuting kasunduan ang dalawang taong pinag isa, Tulad ng isang bagong kasal sila ay mag uumpisang bumuo ng sariling tahanan, sariling pamilya, sila ay hihiwalay sa kanilang mga magulang upang isa katuparan ang mga pangarap na pareho nilang aabutin kahit ano mang pag subok ang kanilang pag daanan at harapin, normal sa dalawang tao na may mga bagay na hindi pagkakasunduan ngunit hindi sapat ang mga eto upang isantabi ang lahat ng pangarap at talikdan nalang ang lahat ng sinimulan, bakit hindi natin subukang tanggapin ang isat isa at pagkasuduan ang mga bagay na hadlang sa pagkamit ng mga pangarap para sa ikatitibay ng pag sasama hanggang sa huli..
Ikaw! marahil maraming gumugulo sa isip mo, nais ko lang malaman mo kung nawalan ka ng pag asa at nawala ang iyong pangarap para sa iyong minamahal, ipikit mo ang iyong mga mata, isipin mo kung dumating ang panahon na tuluyan na ngang natapos ang lahat sa inyo ng minamahal mo sa kasalulukuyan, ano ang magiging hakbang mo? sa kabila ba ng iyong pag iisip ay umaasa ka na maaari mong matagpuan ang taong sa tingin mo ay pareho kayo ng magiging pag tanaw sa buhay? pareho kayo ng gusto at pareho kayo ng paniniwala? pareho kayo ng lakas at pareho kayo sa pagdadala at pag unawa sa relasyon? marahil hindi mo eto alam, hindi ka sigurado, at maaaring blanko o hindi yan sumasagi sa isip mo ngayon, ang oras at panahon ay tumatakbo, lumalakad ang ating mga buhay sa mundo, natututo tayo sa mga pagkakamali at natututo tayong kumilala ng mga bagay na may kinalaman sa ating kasalukuyang kalagayan, ngunit bakit hindi mo subukang buksan muli ang iyong puso, at italaga mo! isipin mo na lahat ng bagay sa mundo ay nag babago, lahat ay nagkakaroon ng panibagong yugto, lahat tayo ay may kanya kanyang kagustuhan at sana tayo ay maging handa na tanggapin at harapin ang mga yon sapagkat darating ang araw kapag puti na iyong mga buhok, kulubot na ang iyong mga balat, malabo na ang iyong mga mata, ay doon mo maiisip at masasabi, na! Salamat! salamat sapagkat sa kabila ng lahat ng naging haamon sa buhay kasama ng aking minamahal, ay ginawa naming tanggapin ang isat isa kahit maraming bagay ang hindi namin napagkakasunduan at napaka sarap isipin na humantong tayo sa pagtanda na dala dala natin ang mga alaala ng mga pinag daanan at masasabi nating nag tagumpay ang ating mga pangarap na makasama ko ang taong pinakamamahal ko hanggang sa huling sandali ng aking buhay, at hindi yan matutumbasan ng lahat ng magagandang karansan sa ating buhay, hindi yan matutumbasan ng kahit ano mang tagumpay sa iyong larangan na naabot, at hindi yan matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay na ating na impok, dahil hanggang sa huling sandali ng ating buhay, ang tanging ating mababaon sa hukay ay alaala at masayang kwento ng ating pananatili sa lupa at yun ay ang makasama mo ang taong pinaka mamahal mo..na minsan pa ay tinanggap at pinag laban natin.
“Hanggang sa Huli"
No comments:
Post a Comment