Saturday, January 10, 2015

Wala Ng Iiyak

         Isa sa mga pinaka magandang regalo na binigay ng Dios sa tao ay ang emosyon, sapagkat taglay neto ang kakayahan na makaramdam ng mga bagay tulad ng kalungkutan, pag hihinagpis, at kaligayahan. at eto marahil ang dahilan upang tayo ay gumawa ng mga bagay na konektado sa ating mga sarili at kinabukasan at isa rito ay sa unang pagkakataon na matuto kang mag mahal at makaramdam ng tunay na pag ibig, naaalala ko pa nung unang tumibok ang aking puso sa taong una kong minahal, makulay, masaya, hindi mabilang ang bawat ngiti sa aking labi, nakalutang sa hangin habang nakapikit ang aking mga mata at nasa imahinasyon ang kasagaan ng kaligayan na nadarama, parang wala ng bukas, parang wala ng katapusan at di alintana ang mga suliranin sapagkat nananaig ang pag ibig sa puso at isip, kay sarap balikan parang walang katapusan ang mundo,parang tumitigil eto sa pag ikot kaya talagang napaka dakila ng Dios dahil pag ibig ang una nyang niregalo sa atin, 
Habang kandong ka ng iyong Ina nung ikaw ay sanggol pa at tinititigan nya ang munti mong mukha ay namumutawi sa kanyang puso ang pag mamahal at buong puso kang aarugain upang ibigay sayo ang pinaka magandang buhay sapagkat gayon na lamang ang pag mamahal ng isang ina sa kanyang anak. wala syang ibang pinapangarap kundi ibigay ang lahat ng mabubuting bagay hanggang sa iyong paglaki, ganyan ang pag ibig, ganyan ang kapangyarihan ng pag mamahal dahil eto ang pinag mulan ng lahat ng bagay sa mundo..

            Kay daling sabihin na mahal natin ang isang tao, lalo na't sya ang nag papatibok ng ating puso, lahat ay iyong gagawin at handang isa alang alang ang mga bagay bagay, maging ang sariling kaligayan minsan ay kaya nating isakripisyo, napakasarap ng pakiramdam kung ang taong nag mamahal sayo ay taglay ang mga katangiang eto, at maaaring masabi mo na! ayaw mo ng matapos ang iyong buhay at makasama mo nalang ang iyong minamahal sa haba ng panahon.. Dapatwat ang pag mamahal din ang nag hahatid ng kabiguan sa isang tao, ng dahil sa isang pag mamahal na iyong inalay at ibinuhos sa isang tao ay sya ring nag dudulot ng sakdal na kalungkutan sa sangkatauhan, noong una ay hindi ko makita ang kabilang bahagi ng pag mamahal, bakit kailangan malungkot? bakit kailangan may umiiyak? bakit kailangan masaktan? sa kabila ng pag mamahalan ng dalawang tao? at napag tanto ko na hindi lang pala sapat ang mag mahal, hindi rin sapat lang ang ibigay mo ang lahat at gawin mo ang lahat ng pinaka mabuti para sa isang tao na iyong minamahal, kasama sa pag mamahal ang pag tanggap at pag unawa, pag hihintay at pag kakaloob ng wagas at walang kapantay na pag tanggap sa lahat ng bagay maging sa pinaka maganda at pinaka pangit na bahaging taglay ng iyong minamahal, at hanggang sa katapusan ay kaya mong ipag patuloy ang na umpisahang pag ibig at patuloy na umasa na darating ang araw ay makakamit mo ang iyong hinahangad na walang hanggang pag sasama. At marahil eto ang nais ng Dios sa dalawang taong nag mamahalan, na kung gaano Nya tayo tinanggap at pinatawad sa ating mga kasalan at kalimutan ang di magagandang nakaraan ay sya ring nais ng Ama na tayo ay mag karoon ng ganung klase ng pag tanaw sa ating buhay at sa ating mga minamahal..


           Nalulungkot ako pag nakakarinig ng dalawang taong nag kaka hiwalay, ng dahil sa hindi pag kakasunduan sa mga ilang bagay at umaabot sa punto na bumitaw na sa mga magagandang pangarap na kanilang parehong binuo ng sila ay nag uumpisa palang.. bawat pag patak ng aking mga luha habang binabalik tanaw ang mga bagay na nasayang ay walang akong magawa kundi ang mag sisi at sumusungkit ng konting pag asa at pag babaka sakali na maibalik ang lahat upang ipag patuloy muli ang mga nasirang pangarap para sa bawat isa, marahil eto ang pinaka mabigat na bahagi ng buhay ng tao at hindi sapat ang mga luha para mapawi ang hapdi at sakit na nadarama, mag sisi man ay huli na ang lahat ay bigla kong hinangad na sana ang tao ay tulad ng Dios, marunong makalimot at mag patawad at ibalik muli ang pag mamahal,at mag umpisa muli at ibigay ang lahat upang magkaroon muli ng pag asa, bagong yugto at kulay ang buhay natin. Ngunit bakit ang tao! kayang lumimot at mag patawad ngunit hindi kayang mag umpisa muli at bigyang ng pag kakataon at magkaroon ng bagong pag asa ang bawat isa, alang alang sa isang samahan na pareho nilang binuhos ang lahat ng oras at panahon.. sana ang tao ay maging tulad ng isang tubig sa batis na patuloy na dumadaloy ng walang katapusan na sa kahit anong pag daanan nitong panahon, maging mainit, tag ulan, tag tuyot ay mananatili syang tubig na dadaloy hanggang sa katapusan. at tayong mga tao na unang minahal ng Dios at paulit ulit na pinapatawad sa ating mga kasalanan sana ay maging ganun rin ang ating pag tanaw sa isang samahan at pag sasama na minsan pa ay naghari ang walang hanggang kaligayahan, hanggang sa pinaka maliit na ugat ng aking puso ay dadaloy dito ang dugo ng pag mamahal na syang mag didikta sa aking utak na ikaw, at ikaw lang ang taong handa kong makasama magpakailan man kung bibigyan lang natin ng pag kakataon ang ating mga sarili na buuin muli ang lahat ng pangarap na minsan pa’y nasira ng mga unos at pag subok na pinag daanan ng ating pagsasama, at kung taglay lang sana ng tao ang ganitong katangian.

Sanay ” Wala ng iiyak.."

No comments:

Post a Comment