Sunday, January 11, 2015

Hanggang Kailan

Habang sinusulat ko tong blog na to, walang ibang laman ang aking puso at isip kundi ang tagos hanggang buto  ang kalungkutan na aking nararamdaman, hindi mapigilan na pag patak ng aking mga luha dahil sa kabila ng aking isipan ay  nag babadya ang isang nalalapit na pag tatapos isa sa pinaka magandang kwento ng aking buhay pag-ibig, Gusto kong sumigaw at ilabas ang lahat ng aking nararamdaman ngunit wala akong magawa kundi tanggapin na darating ang araw na pinaka masayang sandali ng aking buhay ay matutuldukan na, ang tanong ko ay bakit? bakit kailangang humantong sa ganto ang lahat? nawalan ako ng pag asa na maayos pa at maibalik sa dati ang aming samahan na masasabi kong hindi kayang tumbasan ng kahit ano mang bagay na meron dito sa lupa, Umiyak ako sa Dios at humihiling na wag Nya sana akong hayaan na manatili sa ganitong yugto ng buhay, hanggang sa pag pikit ng aking mga mata at wala akong nakikita kundi ang kalungkutan na unti unting kumakain ng buong pagkatao.
     Napakasakit palang isipin na kahit kasama mo pa ang taong mahal na mahal mo ay di mo maiiwasang madama ang lubos na kalungkutan dahil sa kabila neto ay nag hihintay nalang kami ng tamang oras upang tuldukan ang lahat sa aming dalawa, hindi ko lubusang makita ang aking sarili na darating ang panahon ay mabubuhay ako ng wala na ang taong pinapangarap kong makasama hanggang sa aking pag tanda, kung maiibalik ko ang lang oras at panahon sana ay inilihis ko ang bawat sandali ng aming pag sasama sa magagandang sandali ng aming pag mamahalan, sana ay kinimkim ko nalang ang lahat ng pait at sakit sa aking sarili upang hindi na humantong sa malalalim na di pag kakaunawaan ang aming pag mamahalan, Araw at gabi akong umiiyak hanggang sa sa panaginip ko ay nakikita ko ang aking sarili na kung gaano kahirap ang mawalan ng taong sobra mong pinag alayan ng lahat, Hindi ko matanggap hindi ko lubusang maisip at hindi ko makita ang aking sarili na mabubuhay pa ng wala ang taong pinaka mamahal ko..
    Gusto kong mag makaawa na sana ay bumalik ang lahat saamin na walang kinukubling pag aalinlangan at banta ng kalungkutan sa hinaharap, subalit eto ang masakit na katotohanan na kailangan ko ng tanggapin.
    Darating ang panahon at susuko din ako dahil wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang lahat, puno puno ako ng lungkot, pang hihinayang, hindi maipaliwanag na lumbay ni hindi kayang dayain ang aking sarili para maging masaya. sa bawat araw na lumilipas sa aking buhay na nakikita ko sya ay nag iiwan ito ng sugat, ngayon ko lang napag tanto kung gaano ako ka duwag, bilang isang indibidwal na nagmahal ay hindi ko maiwasan sisihin ang aking sarili at maaari ko tong dalhin hanggang sa huling sandali ng aking buhay, magiging isang matamis na alaala ang lahat ngunit magiging isang mapait na sandali ang huling bahagi neto,
    Napakaraming bagay ang dapat kong pasalamat sa kabila ng lahat ng aking nadaramang kalungkutan ngunit hindi ko magawang ngumiti sa tuwing naiisip ko na nagsasama nalang kami ng aking minamahal at nag hihintay nalang tamang panahon kung kailang namin kailangang tuldukan ang lahat ng namamagitan samin, ang bigat isipin at hindi ko magawang tanggapin sa kasalukuyan na darating ang araw ay may isang magaganap at eto ay may kinalaman sa isang malaking bahagi ng aking tunay na buhay.
    Bakit hindi ko na kayang maging masaya bakit nag iiwan to ng pait sa bawat araw na lumilipas na kasama ko sya, marahil binibigkas pa nya ang mga salitang mahal kita pero hindi ko na madama ang sinseridad neto dahil sa mga bagay na unti unting pag babago na nakikita ko sa kanya,, habang inaalala ko ang masasayang araw namin na sakin lang nakatuon ang kanyang oras, ako lang ang kanyang kinakausap, ako ang nasa kanyang prayoridad, sakin umiikot ang kanyang mundo, hanggang sa pag tulog ay sabay naming dinarama ang lamig ng simoy ng hangin sa gabi, at sa pag gising sa umaga ay kanyang mukha ang una mong makikita,, at ngayon lahat ng yun ay nawala na, nag bago ang lahat ng dahil sa aking mga pag kakamali at sa aking mga nagawang pag kukulang bilang isang katuwang, gusto kong tanungin paano? paano ko maibabalik ang lahat at dating pag tingin.. 
    Ngayon ay nakita ko na nagkaroon na muli sya ng bagong mundo, bagong kausap at sa bawat sandali at alam ko na nag bibigay to sa kanya ng kaligayahan, wala akong magawa kundi tiisin ang bahaging ito at nag hihintay na lamang na tuluyan na akong sumuko at tanggapin ang katotohanan na hindi ko na kayang ibalik pa ang lahat tulad ng dati.
    Nakikiusap lang ako sa Dios na sana ay turuan nya akong makalimot sa isang alaala na walang kasing saya na may katumbas na walang hanggang kalungkutan, Mahal na mahal kita at hindi mawawala yun at kung ang panalangin ko ay sasagutin ng Dios kaagad, sana ay hindi ka na mawala sa aking buhay, pero wala akong ibang magawa kundi maghintay kung kailan at saan kami dadalhin ng aming sitwasyon ngayon, ang tanging tanong ko ay..

"Hanggang Kailan."

No comments:

Post a Comment