Maraming bagay ang ngayon ay nasa aking puso at isipan at marahil ilan dito ay ang pag harap sa mga pagsubok na may kinalaman sa aking personal na buhay.. Gusto ko sana na ipagpatuloy ang mga masasayang bahagi neto kasama ng mga taong mahalaga at ngayon ay mas pinahahalagahan ko na, sapagkat napag tanto ko ilang na ulit ko bang dapat pag daanan ang hirap, takot, at sakit na sanay hindi ko pinagdadaanan sapagkat hindi eto ang nais ng Dios para sa Kanyang mga Anak. May mga bagay marahil na Kailangan baguhin at iwan sapagkat bahagi eto ng nakaraan na hindi ko pwedeng dalhin hanggang sa hinaharap. Nais kong mabuhay ng mapayapa, masaya, may pangarap sa darating na bukas kasama ang taong mahalaga na masasabi kong karugtong ng hangin na aking nilalanghap para mabuhay, gusto kong baguhin ang bawat maling nagawa na nagdulot ng pag hihinagpis, kalungkutan at bigat ng kalooban na syang nag dadala sakin upang ako ay mawalan ng pag asa, upang ako ay matakot na harapin ang mga araw na darating saking buhay. Ngunit! Alam ko na may plano ang Dios para sa akin, para sayo at sa bawat isa atin at batid ko na eto ay may mas magandang idudulot sa ating buhay, ayaw ko na sanang tanawin at balikang ang mga maling nagawa sa nakaraan at dapat ay tanggapin ko ang naging bunga neto at matuto, naniniwala ako sa pagbabago dahil ang tao ay nilalang ng Dios na may puso at damdamin at minsan ay hinahayan Nya tayo sa mga pagkakamali dahil batid Nya na mula sa pagkakadapa ay likas sa tao ang tumatayo at lumalakad muli ang mag patuloy sa kanyang pag lalakbay.
May mga bagay na marahil ay hindi na pwedeng balikan ngunit pwedeng nating baguhin sa hinaharap.
At may mga nakaraan na maaari nating balikan at gamitin upang mas maging ganap na mabuting tao at gawing inspirasyon upang hubugin ang ating mga karakter tungo sa isang tunay at ganap na pag babago, ngunit may hinaharap tayo na pwede nating ikonekta sa ating nakaraan at gamitin eto upang mas mahubog tayo na mag patuloy na lumakad ng buong tapang at matutong mag pahalaga sa mga bagay na dapat ay ating pinahahalagahan, at magkaroon ng pag sisikap na bigyang kulay muli ang buhay, bigyan ng bagong yugto, bagong pagtanaw at bagong pag asa, lahat ng tao ay may kakulangan at may kahinaan, may kamalian at may kakulangan, ngunit ang tao din ay may kakayahang mag bago, makakilala ng pagkakamali at ituwid ang mali at magbigay pahalaga sa bawat bagay at araw na dumarating at lumilipas sa kanya.. Lahat tayo ay haharap sa mga pagkukulang at pagkakamali at katuwang natin ay ang pag sisikap na baguhin at ituwid eto.. Para sakin bilang isang tao na dumaan sa samot saring pag subok sa buhay umaasa ako na bibigyan ako ng pagkakataon na ituwid eto at ipag patuloy ang buhay ng puno ng pag asa at determinasyon, may mawawala at may darating, may inaasahan at may pag asa, may sugat at mag hihilom.. Nais ko sana ay manatili ang isang bagay sa buhay ko ang makasama ang isang tao na bahagi ng aking pag asa, bahagi ng aking hinaharap at bahagi ng aking buhay sa mga darating na mga panahon. Iisa Lang ang tangi kong panalangin, yun ay ang pareho naming makamit ang tunay na "saya" sapagkat nakapaloob sa kasiyahan ang lahat ng mabubuting bagay, masaya ka dahil kaya mong pasayahin ang iba, masaya ka dahil alam mong may nagmamahal sayo at kaya mong tumabasan ang pagmahal na binibigay sayo, masaya ka dahil tama ang yung mga ginagawa nyo sa isat isa, masaya ka dahil nakikita mo ang pag babago sa sarili at pag babago ng iba, masaya ka dahil umiikot ang mundo mo sa mga mabubuting bagay at sa isat isa, kaya ang konsepto ng kasiyahan ay hindi lamang sa dami ng iyong kayamanan, hindi sa dami ng kaibigan, hindi sa ibat ibang bagay na ating ginagawa at nakakamit kundi ang tunay na kasiyahan ay ang makasama mo ang taong mahal mo at mag kasama kayong ituwid ang mga pagkukulang at pagkakamali ng isat Isa, at pareho kayong mangarap sa hinaharap at sa mga darating na panahon ng inyong pag sasama at higit sa lahat ay magkasama kayong tutuklas ng mga bagay bagay na may kinalaman sa konsepto ng wagas at tunay na pag ibig, magkasama kayong kikilala sa mga pagkakamali na nagawa ng isat isa at magkasama ring itutuwid ang isat isa, magkasama sa pagbabago, magkasama na aasa at kikilala sa Dios na Syang naging dahil ang lahat ng mabubuting bagay na meron tayo sa ating mga buhay, magkasamang susunod sa Kanyang kalooban at hanggang maging sa langit ay magkasama doon ng masaya, walang hinagpis, walang lungkot at walang lumbay, kasama ng ating mga mahal sa buhay, mga kaibigan na naging saksi ng ating mga pinag daanan at masasabi nating kahit sa munting paraan ay naging inspirasyon nila ang ating pag sasama sa pagtuklas ng mabuti at ikbubuti ng ating mga buhay at sya ring dahilan kung bakit din sila ay nag karoon ng determinasyon na magkaroon ng magandang pangarap at maghangad ng mga hangarin tulad ng ating mga naabot at napakasayang isipin na kasama natin sila sa langit at mabuhay sa piling ng Dios magpakailanman man..
At eto ang syang nais ko at syang laman ng aking puso..
Salamat at ikaw ang binigay sa akin.
No comments:
Post a Comment